14 May 2009
Isang karaniwan ngunit malungkot na araw ang lumipas ngayon. Inihatid na kasi ang tita ko sa huling hantungan kanina lang. Samantalang ngayong dapit-hapon ay papasyal-pasyal lang kami rito sa baybayin ng Baler. Kahit papaano ay nililimutan ang kalungkutan na inaasahang sa paghampas ng alon ay mapawi nito ang kasalukuyang nararamdaman.
Tamang lugar ito para magpahangin. Habang unti-unti ko nang natatanggap ang kanyang paglisan ay nandoon naman ang aking mga tihuyin sa isang banda na ilang metro lang ang kalayuan --hinahayaang panandaliang iwan sa limot ang alaala ng kapatid na sinasabayan ng paglaklak ng alak.
Di-ganon kabilisan ang pagsapit ng dilim dahil sa dakong silangan ito kung saan hindi natatanaw ang paglubog ng araw. Baka naman din nagkamali akodahil kung sa kabilang banda ang araw, mas unang didilim sa lugar na ito na nakatapat sa silangan. (Kayo na bahala, basta napansin ko lang na matagal.) Mabagal ang takbo ng mundo rito ika nga subalit hindi rin naman ibig sabihin ay 'di ko naiaalis sa isip ang nararamdaman kani-kanina lang. Masasabi kong nagtagumpay ang alon sa pag-aliw sa akin na kalaunan ay sinundan ko pa ito ng pagtampisaw sa tubig at pagkuha ng mga di-makakalimutang litrato. Sino ba namang hindi maeengganyo kapag nasa harap mo na ang alon na tila gustong makipaglaro sa'yo? Alam kong maski ikaw ay gagawin mo rin ang ginawa ko. Panandalian ay namulat sa akin ang kasiyahan na inaasahang hindi mawawala.
Kasabay ng pagtapos ko sa sa nakaraang talata ay sumapit na ang hindi ko man lamang na namamalayan na gabi sa tabing-d
Sa dahilang hindi pa namin nilulubayan ang lugar dahil sa paghihintay sa aming mga tiyuhin ay nagawa kong pagmasdan ang kala
ngitan. Nang mapansing bihira ang ganitong senaryo sa Maynila ay daglian pa akong huamanp ng mapupuwestuhan na upuan nang sa gayo'y matanaw nang mabuti ang isang tampok sa madilim na kalangitan. "Napakaraming bituin." ang banggit ko sa sarili ko. Alam kong ito na rin ang iniisip nyo na nakita ko. Kagalakan ang unang lumitaw sa loob ko nang masaksihan ko ito. Kung sa Maynila ay masaya na kong makakita ng lampas sa sampung bituing nakakakalat sa langit ay paano pa kaya rito na bilangin man sila ay 'di ko sinubukan. Gumaan ang loob ko. Naisip ko bigla 'yung kabataan ko.
Habang pinagmamasdan ang iba't-ibang kulay na palamuti sa langit ay sumagi naman sa isip ko yung sinasabi sa akin ng lola ko nung bata pa ko. Totoo kayang 'y
ung mga lumisan na sa mundo ay nagiging isang bituin? Totoo rin kaya na kung gaano man kalaki ang nagawa nilang marka sa mga taong natulungan nila ay ganoon din kakinang ang ipapakita n'ya habang nasa itaas? Napangiti ako. Napag-aralan na namin ito noong elementarya pa lang kaya alam kong walang katotohanan ang sinabi ko kanina. Marahil ganun nga. At marahil sana, malayo man sa katotohanan, ay nandiyan ang mga lumisan sa mundo tuwing gabi na pinagmamasdan ang pagtulog natin. Hindi man sa katauhan ng bituin, pero alam natin nandiyan lang sila.
Oras na para bumalik sa bahay ng lola ko sa kalapit na bayan. Panahon na para iwan ang baybayin na naging karamay ko sa mga sandaling nakalipas. Hindi oras para magpaalam sa mga bituin, dahil habang nasa sasakyan ay nasisilip ko pa rin ang anyo nila. Alam kong nariyan sila saan man tayo pumunta.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento